Panitikan
Sa pinakapayak na paglalarawan, ang panitikan o panulatan ay ang pagsulat ng tuwiran o tuluyan at patula na nag-uugnay sa isang tao. Subalit upang maipagkaiba ito mula sa ibang mga walang saysay na babasahin o patalastas lamang, ang mga panitikan ay ang mainam na pagsulat na may anyo, pananaw, at diwang nakasasanhi ng matagal na pagkawili at gana. Samakatuwid, may hugis, may punto de bista at nakapagpapahaba ng interes ng mambabasa ang isang sulating pampanitikan. Nagsasalaysay ng buhay, pamumuhay, lipunan, pamahalaan, pananampalataya at mga karanasang kaugnay ng iba't ibang uri ng damdaming tulad ng pag-ibig, kaligayahan, kalungkutan, pag-asa, pagkapoot, paghihiganti, pagkasuklam, sindak at pangamba. Ito ang isang dahilan kung bakit pinag-aaralan ang larangan ng literatura sa mga paaralan. Ang Iliad ni Homer, ang isang halimbawa ng mga mabuting likhaing pampanitikang kanluranin, maging ang Aeneid ni Vergil.
Etimolohiya
Nanggaling ang salitang panitikan mula sa ‘pang|titik|an’, kung saan ikinabit ang unlaping pang- at hulaping -an sa ugat na titik. At ang titik ay nangangahulugang "literatura".
Mga anyo ng panitikan
Sa pinakapayak na paghahati, dalawa ang anyo ng panitikan: ang mga Piksiyon (Ingles: fiction) at ang mga Di-piksiyon(Ingles: non-fiction) na mga sulatin at babasahin.Piksyon - Ginagamit ng mga manunulat ang kanilang imahinasyon para sa pagsulat ng mga akdang bungang-isip lamang. Nag-iimbento sila ng mga kathang-isip na mga tauhan, pangyayari,sabunutan, sakuna, at pook na pinangyarihan ng kuwento para sa kanilang mga prosang katulad ng mgaBudang at maikling kuwento.
Para sa pangalawang anyo ng panitikan Di-piksyon, bumabatay ang may-akda sa mga tunay na balita at iba pang kaganapan, ayon sa kaniyang mga kaalaman hinggil sa paksa. Pinipilit dito ng manunulat na maging tumpak sa mga detalye ng mga pangyayari. Hindi gawa-gawa lamang ang nakakaingganyong kuwento. Kabilang sa mga hindi-bunganga-isip na mga sulatin at babasahin ang mga talambuhay, awtobiyograpiya, talaarawan, sanaysay, at mga akdang pang-kasaysayan.
(c) https://tl.wikipedia.org